Sa tuwina'y di ko mawari
Damdamin ko'ng ito'y ngayon
Di mabigyan ng kahulugan
Ni kahit ano'ng kasagutan
Tila para'ng isang bata
Na sa kawala'y nawawala
Hindi ko inasahan
Hindi ko napansin
Bigla na lang nagising
Sa isang bagay na di hiniling
II Ako ngayo'y nalilito
Di masagot ng isip ko
Naiinis sa'king sarili
'Pagkat 'di ko pa ma-amin
Ang bulong nito'ng damdamin
Ani mo'y isang saralin
Na 'di malaman kung anong dapat gawin
Hindi ko na alam
Ni di ko inasam
Bigla na lang natauhan
Sa isang katotohanan
Di na kailan mangangamba
Ni magtaka o magduda
Sagot ng puso'y alam ko na
Sadyang natagpuan sa'yo sinta
10:25pm
Sept.19, 2010
xoxo,
Mae =)
No comments:
Post a Comment